^

Bansa

NBI probe sa ‘Comelec hacking’, inilarga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
NBI probe sa �Comelec hacking�, inilarga
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ‘physical security ins­pection’ pa lamang ang ginawa ng mga tauhan ng NBI-Cybercrime Division at special project team sa pasilidad ng Comelec.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nag-umpisa na ng kanilang imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa napaulat na ‘hacking’ sa server ng Commission on Elections (Comelec) sa pagsasagawa ng inspeksyon sa bodega nito sa Laguna.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ‘physical security ins­pection’ pa lamang ang ginawa ng mga tauhan ng NBI-Cybercrime Division at special project team sa pasilidad ng Comelec.

Nilinaw ni Guevarra na mismong ang Comelec ang humingi ng tulong sa NBI para magsagawa ng imbestigasyon sa alegasyon na unang iniulat ng isang pahayagan.

Kasama sa isinagawang inspection ang mga kinatawan ng Smartmatic at mga opisyal ng Comelec.

“Certain documents were turned over to the NBI for validation and authentication. a tho­rough investigation is now in progress,” dagdag ng kalihim.

Unang itinanggi ng mga opisyal ng Comelec na may naganap na ‘hacking’ at ‘data breach’. Iginiit nila na walang username at PINs ang natangay dahil sa hindi pa naida-download ang mga ito sa kanilang sistema.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with