^

Bansa

Instant ayuda sa Tourism Welfare Act

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Titiyakin ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) ang pagsasabatas ng “Tourism Welfare Act” na poprotekta sa kapakanan ng tourism workers at entrepreneurs kabilang na ang pagbibigay sa kanila ng “instant ayuda” sa panahon ng kalamidad.

“Mahigit limang milyong Filipino na naghahanap-buhay sa industriya ng turismo ang naapektuhan ng Covid-19 pandemic crisis at gayun din ang dinanas sa pagsapit ng kalamidad tulad ng pagbabagyo. Kinakaila­ngan na may nakahanda na tulong para sa mga miyembro ng tourism sector at kanilang mga pamilya,” sabi ni TURISMO first nominee Wanda Tulfo-Teo.

Ang pagpapasa sa Kongreso ng “Tourism Welfare Act” ang magbibigay-proteksyon sa mga manggagawa at maliliit na negosyante sa tourism industry sa panahon ng pandemya at kalamidad, pagdidiin ni Teo na dating Tourism secretary.

“Taun-taon tayong tinatamaan ng malalakas na bagyo at libu-libong Pilipino ang nawawalan ng tirahan at hanapbuhay kabilang na ang mga tourism stakeholders. Kailagan na siguruhin na may instant ayuda para sa kanila sa panahon ng emergency,” sabi ni Teo.

vuukle comment

TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with