^

Bansa

Plastic barriers ‘di requirement sa face-to-face classes – DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Plastic barriers �di requirement sa face-to-face classes � DepEd
Students attend the first day of the pilot in-person classes at the Cabagdalan Elementary School in Balamban, Cebu (November 15, 2021).
Aldo Banaynal / THE FREEMAN

MANILA, Philippines — Hindi requirement ang paglalagay ng plastic barrier sa desk ng mga estudyanteng lumalahok sa pilot implementation ng face-to-face classes.

Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kasunod ng obserbasyon na may mga estudyanteng nahihirapang makita at marinig ang itinuturo sa kanila ng guro dahil sa mga plastic barrier.

Ayon kay Malaluan, hindi kasama ang paglalagay ng plastic barrier sa mga guidelines na inilatag ng DepEd at ng Department of Health (DOH) para sa naturang pilot run.

Posible aniyang naisagawa ito matapos na imungkahi ng mga magulang sa mga pulong dahil kasama sa framework ng aktibidad ang ‘shared responsibility’ ng DepEd, local government unit (LGU) at ng mga magulang.

Sinabi rin ni Malaluan na ipinatatanggal na rin naman ang plastic barriers dahil may obserbasyon na nakakasagabal ito sa airflow sa silid-aralan.

Binigyang-diin din niya na ang mahalaga ay naipapatupad ang physical distancing sa mga estudyante.

Samantala, tiniyak din naman ni Malaluan na regular na nagsasagawa ng disinfection ang mga paaralan bago at matapos ang klase.

Sa katunayan aniya ay may disinfection sa pagitan ng mga klase sa umaga at hapon, bukod pa sa mas masusing disinfection tuwing weekend, upang matiyak na ligtas ang mga mag-aaral at mga guro laban sa COVID-19.

vuukle comment

DEPED

FACE TO FACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with