^

Bansa

Mga Pinoy, diplomats sa ‘red list’ papayagang makapasok sa Pinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga Pinoy, diplomats sa �red list� papayagang makapasok sa Pinas
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na hindi na kasama sa travel ban ang mga nabanggit base sa resolusyon na inilabas ng IATF noong Nobyembre 25. Nagpadala rin ng liham ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang nito namang Disyembre 2 ukol sa bagong polisiya.
Bureau of Immigration Facebook Photo

MANILA, Philippines — Papayagan nang makapasok sa Pilipinas ang mga Pilipino at mga dayuhang diplomats kahit galing pa sila sa mga ‘red list countries’ bilang pagsunod ng Bureau of Immigration (BI) sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF).

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na hindi na kasama sa travel ban ang mga nabanggit base sa resolusyon na inilabas ng IATF noong Nobyembre 25. Nagpadala rin ng liham ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang nito namang Disyembre 2 ukol sa bagong polisiya.

Idinagdag pa ni Morente na sakop din ng ek­sempsyon ang mga kuwalipikadong dependents ng mga diplomats tulad ng kanilang asawa at mga legal na anak, na may hawak din na balidong diplomatic o opisyal na pasaporte.

Binilinan na ng Bi ang kanilang mga immigration officers sa iba’t ibang paliparan at ports, maging mga dayuhang airlines, ukol sa bagong travel exemptions.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

DFA

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with