^

Bansa

Nasa 900 pulis na unvaccinated vs COVID-19 babawalan mag-duty ng PNP

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
Nasa 900 pulis na unvaccinated vs COVID-19 babawalan mag-duty ng PNP
Makikita sa file photo na ito ang ilang kawani ng Philippine National Police (PNP) na nakasuot ng face mask laban sa COVID-19
STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Halos 1,000 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang nanganganib bawalang magtrabaho ng gobyerno dahil sa "patuloy na pag-ayaw" sa mga bakuna laban sa COVID-19, bagay na banta diumano sa seguridad ng publiko.

Ito ang ibinahagi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa isang talumpati habang ipinaliliwanag ang pagpapatindi ng kanilang pagsusumikap na umambag sa paglaban sa pandemya na pumatay na sa libu-libong Pilipino simula 2020.

"In the coming days, we're coming up with a memorandum circular to spell out the guidelines and the implementation of the 'no jab, no duty' policy  among our PNP personnel," ani Carlos, Lunes.

"Directly affected by this policy are some 900 unvaccinated PNP personnel who are yet to offer any reasonable excuse for their continued refusal to be vaccinated despite all the opportunities provided."

 

 

Hunyo 2021 lang nang sabihin ng naunang hepe ng PNP na si Guillermo Eleazar, na pinalitan ni Carlos, na hindi gagawing sapilitan ang COVID-19 vaccination ng kapulisan kasabay ng pangakong hindi sila parurusahan kaugnay nito.

Binanggit ni Carlos ang plano pagdating sa memorandum kasabay ng pagsisimula ang unang araw ng face-to-face classes sa 28 elementarya at hayskul sa Metro Manila sa gitna ng pandemya, kung saan magtatalaga ng ilang mga kawani ng kapulisan.

Ika-1 ng Disyembre nang maging epektibo ang kautusan ng gobyerno na mag-oobliga sa COVID-19 vaccination ng mga manggagawa't empleyado na kakailanganing magtrabaho "on-site," basta't mayroong sapat na bakuna sa kanilang mga lugar.

Parang 'no vaccine, no work' policy rin

Pinapalagan ngayon ng Kilusang Mayo Uno, Commission on Human Rights at presidential aspirant Ka Leody de Guzman ang naturang kautusan na katumbas na raw halos ng "no vaccine, no work policy." Aniya, mas mainam pa rin daw na idaan sa mga insentibo at pagpapaliwanag ang pagpapabakuna kaysa gawin itong sapilitan maliban sa tama raw nito sa kabuhayan at karapatang pantao.

"As public servants and officers of the law, it is our reponsibility to uphold public welfare at all times and lead by example in fulfilling the citizen's duty to promote public health and safety," wika pa ni Carlos kanina.

"Vaccination is not anymore a matter of personal choice, but a matter of public interest for the common good."

Bagama't lumiliit na nang lumiliit ang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nagbabadya ngayon ang banta ng diumano'y mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant, na sinasabing may epekto sa bisa ng mga bakuna.

Aabot na sa 38.12 milyon ang nakakukuha ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19, maliban pa sa 477,093 kataong nakatanggap na ng booster shots laban sa sakit.

Papalo na sa 2.83 milyon ang tinatamaan ng naturang virus sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Linggo. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 49,386 katao.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with