^

Bansa

Mae-expire na bakuna pinasisilip ng Palasyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mae-expire na bakuna pinasisilip ng Palasyo
Sinabi rin ni Nograles na ini-evaluate na ang expiration date ng mga bakuna at inuunang ilabas ang malapit nang ma-expire o ‘first in, first out.’
STAR/File

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ang mga napaulat na mga COVID-19 vaccines na hindi nagamit ng ilang local government units at malapit nang ma-expire.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ongoing pa rin ang imbestigasyon at wala pang konklusyon kaugnay nito.

“Doon sa nag-front kasi na isang report na may nag-expire or hindi natanggap, we are still doing fact finding investigation. Wala pa kaming conclusion with regard to that, siyempre may natatanggap kaming report on the ground na dito sa ilang LGU may nag-expire raw, ganito raw. But right now we’re still doing the fact finding,” ani Nograles.

Sinabi rin ni Nograles na ini-evaluate na ang expiration date ng mga bakuna at inuunang ilabas ang malapit nang ma-expire o ‘first in, first out.’

Ayon pa kay Nograles, nakikipag-ugnayan na rin ang vaccine cluster sa manufacturer tungkol sa expiry date ng mga bakuna bukod pa sa isinasagawang evaluation.

Nagsalita na rin aniya si Secretary Carlito Galvez na magagamit pa rin ang mga nag-expired ng bakuna base sa assessment ng mga manufacturers at mga eksperto.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with