^

Bansa

Kiko humirit ng hearing para talakayin ang hinaing ng frontliners sa DOH, DBM

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humirit ng isang hea­ring si vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan para maiparating sa Department of Health (DOH) at Department of Budget and Ma­nagement (DBM) ang hinaing at iba pang isyu ng frontline health workers.

Ayon kay Pangilinan, ito’y magandang paraan upang hindi maantala ang pagpasa sa 2022 national budget at para maipaabot na rin sa DOH at DBM ang iba pang mga isyu na binanggit ng mga nurse sa kanilang sulat sa Senado.

“Perhaps a separate one-day hearing of the Finance Committee can be conducted so that we can clarify a number of issues that were raised in another letter that was sent to us on the matter of the DOH disbursements of the support for our frontliners,” wika ni Pangilinan.

Sa paraang ito, sinabi ni Pangilinan na magagamit ng Senado ang oversight function nito para malinawan ang mga binabanggit na isyu ng mga nurse sa kanilang sulat.

Pabor naman si Angara na magsagawa ng hiwalay na pagdinig, basta’t may pagsang-ayon din ang Committee on Health.

Sa huling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ipinabatid ng Philippine Nurses Association na marami pa rin sa kanilang mga miyembro ang hindi nakatatanggap ng allowance at benepisyo na ipinangako ng gobyerno.

vuukle comment

KIKO PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with