^

Bansa

5.3 milyong Pinoy nabakunahan sa 2nd day ng national vaccination

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot na sa 5.3 ­milyong Pilipino ang nabakunahan kontra ­COVID-19 sa ikalawang araw ng National Vaccination Day, ayon sa Department of Health kahapon.

Sa naturang bilang, 2.7 milyon ang nabakunahan noong Nobyembre 29 at 2.6 milyon naman nitong Nobyembre 30.  Kinakalap pa ang datos sa ikatlong araw kahapon.

Ngunit sinabi ni Undersecretary Myrna Cabotaje, na maaari pang tumaas ang bilang sa ikalawang araw dahil sa hindi pa pumapasok ang ibang datos mula sa mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Cabotaje na may mga nagsasabi na nakatulong ang holiday kaya marami ang nakapunta sa mga vaccination sites pero may mga ­centers din ang nagsara ng maaga.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 9 milyong Pilipino sa tatlong araw na event.

Pero sinabi ni Cabotaje na kahit hindi maabot ang siyam na milyon na target ay maituturing pa ring malaking accomplishments ang mataas na bilang ng mga nagpabakuna.

“We are still hopeful na ma-meet natin ‘yung 9 million na target but just in case we will be unable to reach it, this is a record that is already high,” ayon sa opisyal.

Tumaas din aniya ang bilang ng mga nagpabakuna sa mga lugar na dati ay mababa ang vaccination rate katulad ng BARMM at SOCCSKSARGEN.

Matapos nito, magsasagawa muli ng ikalawang sigwada ng National Vaccination Day sa Disyembre 15 hanggang 17. — Malou Escudero

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with