^

Bansa

Bong Go atras na sa presidential race

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Senator Bong Go kahapon ang pag-atras niya sa pagtakbong presidente sa May 2022 elections  sa pagsasabing ayaw niyang bigyan pa ng problema si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Go na hindi siya pulitiko at hindi nanggaling sa malaki o kilalang pamilya kaya hindi rin siya sanay sa marumi at mainit na klase ng pulitika.

“Marahil po’y hanggang dito lang po muna ako sa ngayon,” ani Go.

Ginawa ni Go ang pahayag, isang linggo matapos niyang aminin na naghihintay pa siya ng sen­yales mula sa Panginoon kung itutuloy ang kanyang presidential bid.

Ipinaliwanag ni Go na maging ang kanyang pamilya ay tutol sa kanyang pagtakbong  presidente at ayaw rin niyang malagay pa si President Duterte sa magulong sitwasyon.

“Ayoko rin pong lalong maipit si Pangulong Duterte. Higit pa po sa tatay ang pagmamahal ko sa kanya,” ayon sa senador.

Ani Go, nakahanda siyang magsakripisyo para sa kabutihan ng bansa at alang-alang na rin sa pagkakaisa.

“Sa ngayon po, ‘yun ang mga rason ko. That is why I am withdrawing from the race,” idinagdag niya.

“Lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng supporters na walang tigil na nagtitiwala sa akin at kay Pangulong Duterte. Kaya gusto kong magpakatotoo sa inyong lahat at ayaw ko nang patagalin pa ang bigat ng nararamdaman ko,” sabi ni Go.

Sinabi ni Go na ang tangi lamang niyang  ha­ngarin ay makapagserbisyo sa kapwa Pilipino.

Ani Go, isa lamang siyang simpleng probinsyano na binigyan ng pagkakataong magsilbi sa taumbayan.

“Kung saan man po ako dadalhin ng aking tadhana, makakaasa po kayo na patuloy po akong tutulong, patuloy po akong magseserbisyo at patuloy po akong magmamalasakit sa aking kapwa Pilipino dahil mahal ko ang mga kababayan ko. Mahal ko po ang bansang ito,” ayon kay Go.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with