^

Bansa

Dahil sa banta ng Omicron dayuhang turista bawal muna

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuspinde na ng pamahalaan ang pagbubukas ng Pilipinas para sa mga dayuhang turista dahil sa panibagong banta ng bagong COVID-19 variant na Omicron.

“The IATF (Inter-Agency Task Force for the Ma­nagement of Emerging Infectious Diseases) deemed it necessary to suspend the entry of foreign tourists, given worldwide concerns over the Omicron variant,” ayon kay Immigration commissioner Jaime Morente.

Una nang plano ng pamahalaan na buksan na ang Pilipinas para sa mga dayuhang turista mula sa mga bansa na nasa ‘green list’ o iyong mga ‘low risk’ sa COVID-19 at bakunado na sa Disyembre 1.

Kasunod nito, pito pang bansa na pawang nasa Europa ang inilagay ng Bureau of Immigration (BI) sa Phl Red List base sa rekomendasyon ng IATF na bahagi ng pag-iingat kontra Omicron variant ng COVID-19.

Sinabi ni Morente na kabilang sa inilagay sa Red List ang Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy mula Nob­yembre 28 hanggang Dis­yembre 15.

Una nang nilagay sa Red List ang South Africa na sinasabing pinangga­lingan ng Omicron variant at maging ang mga katabi nitong mga bansa ng Bot­swana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique.

“Those coming from red list countries within the last 14 days prior to arrival shall not be allowed to enter the Philippines,” ani Morente.

Papayagan naman na makapasok ang mga Pilipino, sa pamamagitan ng ‘government and government repatriation’ at Bayanihan flights, ngunit kailangan nila na sumailalim sa health protocols na itinakda ng Bureau of Quarantine.

Ang mga biyahero na nakaalis na sa naturang mga bansa bago ang Nobyembre 30 ay papayagan pa ring makapasok ng Pilipinas pero sasailalim rin sa health protocols ng BOQ. — Malou Escudero

 

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with