^

Bansa

Duterte nanguna sa National Vaccination Days

Pilipino Star Ngayon
Duterte nanguna sa National Vaccination Days
Sina Health Secretary Francisco Duque III at Marikina Mayor Marcelino Teodoro makaraang pangunahan sa unang araw ng National Vaccination Day sa mega vaccination site sa Marikina Sports Complex kahapon.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng National Vaccination Days: Bayanihan, Bakunahan 2021 sa Antipolo City, Rizal.

Personal na dumalo ang pangulo sa seremonya na ginanap sa SM City Masinag, kasama ang ilan pang opisyal ng gobyerno.

“It is very important for us to take a whole-of-nation approach to win against coronavirus that has sorely plagued our country for almost two years,” pahayag ng Pangulo.

Target ng vaccination drive na mabakunahan ang nasa siyam na milyong Pilipino sa loob ng tatlong araw at makumpleto ang bakuna ng nasa 54 mil­yong Pinoy bago matapos ang taon.

“This is our single biggest push to fast-track vaccination and reach our target of 70 percent population protection nationwide,” wika niya.

Sinabi rin ni Duterte na layunin ng gobyerno na mabakunahan ang 80 porsiyento ng populasyon ng mga edad 12 hanggang 17 taong gulang at makumpleto ang booster shots ng mga nasa A1, A2 at A4 sectors.

Muling nanawagan ang Pangulo sa mga Filipino na magpabakuna at ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health protocols para malabanan ang COVID-19.

Tiwala si Duterte na malalampasan ng mga Filipino ang pandemya sa awa ng Diyos at totoong malasakit ng mga mamamayan sa isa’t isa.

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with