Bagong COVID-19 cases sumadsad sa 665, pinakamababa mula Hulyo 2020
MANILA, Philippines — Lalo pang bumaba ang bilang ng arawang COVID-19 infections sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) — kahit na nagbabadya ang banta ng Omicron variant na sinasabing mas mutated kumpara sa mas nakahahawa na ngang Delta variant.
Umabot lang kasi sa 665 ang bagong nahawaan ng COVID-19 ayon sa inilabas na tally ng DOH ngayong Lunes, ang pinakamababa simula ika-14 ng Hulyo, 2020 kung kailan bumulusok ito sa 634.
"Ten duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 are recoveries and 1 is a death. In addition, 87 cases were found to have tested negative and have been removed from the total case count. These 87 are recoveries," wika ng kagawaran kanina.
"Moreover, 129 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation."
Sa kabila nito, dalawang laboratoryo ang sinasabing hindi operational noong ika-27 ng Nobyembre habang tatlo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System.
Nangyayari ito kahit na nagpatupad ang Pilipinas ng travel ban sa pitong bansa sa Europa at pitong bansa sa Africa dulot ng Omicron variant, na sinsasabing merong 50 mutations na posibleng magdulot ng mas mabilis na pagkakahawa-hawaan at pagpapababa sa bisa ng COVID-19 vaccine.
Kanina lang nang sabihin ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na mag-ingat ang publiko laban sa COVID-19 sa darating na Kapaskuhan at Bagong Taon.
"I would go for safety first... for everyone. kaya napaka-importante po 'yung pagpapabakuna natin ngayon," sambit ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa briefing ng Malacanang.
"Let's take advantage of these three days national vaccination days na magpabakuna na po tayo to fully protect outselves and out families." — James Relativo
- Latest