^

Bansa

14 days quarantine sa biyahero, ibalik – expert

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
14 days quarantine sa biyahero, ibalik � expert
This photo taken May 26 shows stranded Overseas Filipino Workers who will be flown back to their home provinces through the 18 chartered flights of the Department of Transportation as part of the government's“Hatid Probinsya Para sa mga OFWs” program.
Department of Transportation / released

MANILA, Philippines — Iminungkahi ng isang health expert sa pamahalaan na ibalik ang 14 araw na ‘quarantine period’ para sa mga internasyunal na biyaherong pumapasok sa bansa kasunod ng pangamba sa bagong COVID-19 variant na Omicron.

Sinabi ni Dr. Tony Leachon, dating tagapayo ng pamahalaan, na dapat ding mag-ban ng mas maraming bansa ang Pilipinas na tukoy na nakitaan ng naturang variant para sa kaligtasan ng mga Pilipino.

“Dapat iyan repasuhin at ibalik sa mas mahigpit na quarantine kasi itong ganitong mga variant, nagi-increase ang transmission nito,” ayon kay Leachon.

Sa kasalukuyan, ang mga biyahero mula sa ‘yellow list’ countries at bakunado na kontra COVID-19 ay kailangang sumailalim na lamang sa tatlong araw na quarantine pagdating sa Pilipinas, kung may negatibo silang RT-PCR test may 72 oras bago ang kanilang biyahe.

Maaari na silang makalabas ng quarantine kapag nagnegatibo sila sa RT-PCR test sa ikatlong araw ng kanilang quarantine.

Sa mga walang negatibong RT-PCR test, kailangan nilang kumuha ng swab test sa ikalimang araw ng qua­rantine pagdating sa bansa at makakauwi pa lamang sa ika-10 araw ng kanilang quarantine kapag nagnegatibo sa test.

Ang mga biyahero na galing naman sa mga ‘green list’ na teritoryo ay hindi na kailangang sumailalim sa quarantine at on-arrival swab test kung makakapagpakita sila ng negatibong RT-PCR test na kinuha may 72 oras bago ang kanilang biyahe.

Sinabi pa ni Leachon na kailangang iprayoridad ang pagba-ban sa mga biyahero galing ng HK matapos madiskubre ang mataas na kaso ng Omicron variant sa naturang teritoryo. Kasalukuyang nasa ‘green list’ pa rin ng Pilipinas ang HK.

vuukle comment

COVID-19 VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with