^

Bansa

Travel ban sa 7 bansa ipinatupad

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Travel ban sa 7 bansa ipinatupad
Dagsa ang mga pasahero sa check-in counters ng NAIA Terminal 3 matapos payagan na ng Department of Tourism ang domestic travel sa ilalim ng Alert Level 2 ng walang COVID testing.
KJ Rosales

Dahil sa banta ng bagong COVID-19 variant

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ng gobyerno kamakalawa ng gabi ang biyahe mula South Africa at Botswana papasok ng Pilipinas upang maiwasan ang pagpasok sa bansa ng COVID-19 B.1.1.529 variant.

Ayon kay Cabinet Secretary at presidential spokesperson Karlo Nograles, nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na suspindihin ang mga papasok na biyahe mula sa mga bansa na nakitaan ng bagong variant ng COVID-19.

Ang iba pang bansa na kasama sa temporary ban ay ang mga karatig ng South Africa at Botswana katulad ng Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.

Sa inilabas na regulasyon ng IATF, epektibo kaagad ang travel ban na tatagal hanggang Disyembre 15, 2021.

“IATF] approved on Friday, November 26, 2021, the temporary suspension of inbound international flights from South Africa, Botswana, and other countries with local cases or with the likelihood of occurrences of the B.1.1.1529 va­riant. This shall take effective immediately and until 15 December 2021,” ani Nograles.

Ayon pa kay Nograles, inatasan na ang Bureau of Quarantine na tukuyin kung nasaan ang mga biyahero mula sa mga nabanggit na bansa na posibleng dumating sa Pilipinas sa nakaraang pitong araw bago ang suspensiyon.

Ang mga nasabing biyahero ay isasailalim sa 14-araw na facility-based quarantine at RT-PCR test sa ika-pitong araw o sa sandaling matagpuan ang lokasyon ng mga pasahero.

vuukle comment

COVID-19 VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with