^

Bansa

Pagpulbos sa communist groups itotodo na ng AFP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Sa natitirang 7 buwan ni Duterte

MANILA, Philippines — Itotodo na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang ‘final push’ upang palalakasin at paiigtingin pa ang kampanya laban sa iba’t ibang threat groups sa bansa partikular ang local communist group.

Ayon kay AFP chief of staff Lt. Gen. Andres Centino, mas magi­ging  agresibo ang AFP na tuluyan nang tapusin ang pamamayagpag ng komunistang grupo sa nalalabing pitong buwan ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Centino na ang elite force ng Philippine Army ang First Scout Ranger Regiment (FSRR) ang maghanda para sa kanilang “last push.”

Ang FSRR ang isa sa mga elite forces ng AFP na nakikipaglaban sa iba’t ibang threat groups sa bansa at napatunayan na rin ang proficiency ng mga Ranger na kilala sa buong mundo kaya walang duda sa kanilang kakayahan para harapin ang mga kalaban

Aminado si Centino, na crucial  ang mga darating na taon sa AFP lalo at paiigtingin ng militar ang operasyon “to end local communist armed conflict.”

Giit ni Centino, ngayon lang nakaramdam ang militar na kaya nilang tapusin ang problema sa insurgency sa natitirang pitong buwan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Tiniyak naman ng pamunuan ng First Sout Ranger Regiment na suportado nila ang kampan­ya para tapusin ang komunistang rebelde.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with