^

Bansa

Crime rate sa Pinas, bumaba ng 34%

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Crime rate sa Pinas, bumaba ng 34%
“Dahil din sa mga hakbanging ito ay bumaba ang dami ng krimen sa ating bansa ng 34 percent, at mga index crime ng 70 percent noong 2020 kumpara sa taong 2016, at patuloy po itong bumababa ngayong taon. Kahit po sa survey, masasabi po na ang mga kababayan natin ay sabi nila ay mas feel nilang ligtas sila,” paliwanag ni Año sa ginanap na Talk to the People ng Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi.
Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduar­do Año na bumaba ng 34% ang crime rate sa bansa sa ilalim ng pamumuno ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Año, mas nakararamdam na rin ang publiko ng kaligtasan ngayon dahil sa palagiang presensya ng mga pulis at suportang mga programa ng pamahalaan sa mga komunidad.

Sinabi ng kalihim na ang mga naging hakbangin ng kapulisan at pamahalaan ang dahilan kaya malaki ang ibinaba ng naitalang mga nangyaring krimen sa bansa.

“Dahil din sa mga hakbanging ito ay bumaba ang dami ng krimen sa ating bansa ng 34 percent, at mga index crime ng 70 percent noong 2020 kumpara sa taong 2016, at patuloy po itong bumababa ngayong taon. Kahit po sa survey, masasabi po na ang mga kababayan natin ay sabi nila ay mas feel nilang ligtas sila,” paliwanag ni Año sa ginanap na Talk to the People ng Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi.

Iniulat din niya na mula sa kabuuang 139,111 insidente noong 2016, ang bilang ng index crimes ay bumaba sa 41,260 noong  2020 at 27,523 sa unang siyam na buwan ngayong taon.

Kabilang sa index crimes ang murder, rape, robbery, aggravated assault, burglary, larceny, motor vehicle theft, at arson.

Dagdag ng kalihim, napababa at napabuti ang ‘crime situation’ sa ilalim ng administrasyong Duterte, matapos na bumaba ang trend mula 584,883 noong 2016 habang 383,189 nitong 2020, at 282,631 sa unang walong buwan nga­yong 2021.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with