^

Bansa

Booster shots sa priority groups aprub na ng DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Booster shots sa priority groups aprub na ng DOH
Ang booster shots ay ipinagkakaloob sa mga taong ang proteksiyong nakuha sa bakuna ay nabawasan. Isinasagawa na ito sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos at sa Europa.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — May posibilidad na magbigay na ang pamahalaan ng COVID-19 vaccine booster shots sa darating na Nobyembre o kaya sa Disyembre sa oras na makapagpalabas na ang Food and Drugs Administration (FDA) ng ‘emergency use authorization (EUA)’ para rito.

Ngunit nilinaw ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga ‘priority groups’ tulad ng mga healthcare workers muna ang uunahin na mabigyan ng booster shots.

“Ito pong parating na Nobyembre at Disyembre magawa natin kung lalabas po ‘yung emergency use authority na manggagaling sa Food and Drug Administration,” ayon kay Vergeire.

Kailangan umano kasi na maamiyendahan muna ng FDA ang inilabas na EUA sa mga COVID-19 vaccines para magamit na booster shots.

Ito ay makaraang aprubahan ni Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na magbigay ng karagdagang COVID-19 vaccines sa mga healthcare workers at iba pang priority groups.

Ang booster shots ay ipinagkakaloob sa mga taong ang proteksiyong nakuha sa bakuna ay nabawasan. Isinasagawa na ito sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos at sa Europa.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with