^

Bansa

Bagong COVID-19 variant mula Mauritius, natukoy sa Pinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na nakarating na sa Pilipinas ang isang bagong tuklas na variant ng COVID-19 na unang natukoy sa bansang Mauritius.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nadiskubre sa isinagawang ‘whole-genome sequencing’ ang kauna-unahang kaso ng B.1.1.318 variant sa bansa.

Ang B.1.1.318 ay isang COVID-19 variant na under monitoring base sa klasipikasyon ng World Health Organization (WHO).  Una itong natukoy sa Mauritius at mayroon itong 14 mutations, kabilang na ang mga nakita sa Delta at Beta va­riants ng COVID-19.

Ang pasyente na may taglay ng naturang variant ay isang 34-anyos na lalaki na nakatira sa Bacolod City sa Negros Occidental. Bagong balik ito sa Pilipinas noong Marso 5, 2021 pa at may travel history sa United Arab Emirates (UAE).

Ang sample ng pas­yente ay nakolekta noong Marso 10 makaraang sumailalim sa COVID-19 testing sa isang laboratoryo ng Philippine Red Cross. Nabatid naman na magaling na ang naturang pasyente sa pagkakasakit.

“Let me just reiterate, it’s a variant under monitoring. Lahat po pinag-aaralan sa ngayon. Wala po tayong cause to panic. Kailangan lang po maging vigilant pa rin tayo lahat and follow our minimum public health standards,” panawagan ni Vergeire.

Samantala, sa 746 samples na isinailalim sa sequencing, may 380 bagong kaso ng Delta va­riant ang natukoy, 166 Beta at 104 Alpha.

Umakyat ang kabuuang kaso ng Delta sa bansa sa 4,811; Beta - 3,479; at Alpha - 3,042.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with