^

Bansa

Kriminal ang trato sa’min ng Senado - Pharmally exec

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglabas ng sama ng loob kahapon ang isa sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa umano’y tila kriminal na pagtrato sa kanila ng Senado.

Sinabi ni Mohit Dargani na corporate secretary at treasurer ng Pharmally na hindi makatarungan ang trato sa kanila ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon.

Ayon kay Dargani, pinaparatangan sila ng mali hindi para sa bayan kundi para sa politika at para sa political survival ng mga senador at tinatrato din silang kriminal na parang walang halaga ang kanilang buhay samantalang ibinibigay nila ang buong kooperasyon at respeto sa Senado.

Gusto umano silang ikulong ng mga senador dahil sa paggigiit ng kanilang karapatan at dahil hindi makuha ang gustong madinig sa kanila.

Iginiit pa nito na walang kinalaman ang presidente sa transaksyon ng Pharmally sa PS-DBM.

Sagot naman ni Senate President Vicente Sotto III na kung talagang ibinibi­gay ng mga taga-Pharmally ang kooperasyon dapat isumite nila ang mga dokumentong hinihingi ng mga Senador at dapat magbasa ng konstitusyon ang mga taga-Pharmally.

Magugunita na si Mohit at ang kapatid nitong si Twinkle Dargani na presidente ng Pharmally ay kapwa pinapaaresto ng mga senador matapos na i-contempt dahil tumangging isumite ang financial documents ng kanilang korporasyon.

vuukle comment

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with