^

Bansa

Duterte inalok ng anti-rabies ang mga choosy sa bakuna

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte inalok ng anti-rabies ang mga choosy sa bakuna
Ayon sa Pangulo, hindi na dapat namimili ng tatak ng bakuna dahil “okay” naman ang lahat na ibinibigay sa mga mamamayan.
Presidential photo / Ace Morandante

MANILA, Philippines — Pinasusubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-rabies sa mga mamamayan na namimili ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa Pangulo, hindi na dapat namimili ng tatak ng bakuna dahil “okay” naman ang lahat na ibinibigay sa mga mamamayan.

Sinabi ni Duterte na ang mga mamimili ng bakuna ay maaaring subukan ang anti-rabies dahil marami siyang stock.

“Ngayon, kung subukan ninyo ayaw ninyo ng bakuna, anti-rabies marami akong stock diyan ­ngayon. ‘Pag may rabies epidemic doon sa lugar ninyo, eh ‘di ‘yun na lang ang ipadala ko,” ani Duterte.

Iginiit muli ni Duterte na epektibo ang lahat ng uri ng bakuna laban sa COVID-19 kahit na ang mga galing sa China.

“Ayaw ninyo ng bakuna ng ano eh ‘di... Huwag kayong mamili kasi sinabi ko lahat ‘yan may bisa. Baka ayaw ninyo ng mga China-China. Ngayon gusto ninyo Sinopharm kasi nag-Sinopharm ­kaming lahat dito. Kami nga ang huli eh,” ani Duterte.

Kung hindi anya epektibo ang ibinibigay na bakuna sa mga mamamayan ay dapat mas marami na ang patay dahil sa virus.

vuukle comment

COVID-19

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with