^

Bansa

30 public schools lalahok sa pilot run ng face-to-face classes sa Nobyembre 15

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
30 public schools lalahok sa pilot run ng face-to-face classes sa Nobyembre 15
Ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma, kabuuang 638 paaralan ang nagpahayag ng kahandaan na lumahok sa limitadong face-to-face classes.
The STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Nasa 30 public schools ang lalahok sa pilot implementation ng limitadong face-to-face classes na nakatakdang idaos sa bansa sa Nobyembre 15, 2021.

Ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma, kabuuang 638 paaralan ang nagpahayag ng kahandaan na lumahok sa limitadong face-to-face classes.

Sa naturang bilang, 59 ang nakapasa sa risk assessment ng Department of Health (DOH) ngunit 30 pa lamang sa mga ito ang matutuloy na sumali sa naturang dalawang buwang pilot run.

Tatlo sa mga naturang paaralan ay nasa Bicol Region, tatlo naman sa Western Visayas, walo sa Central Luzon, walo sa Zamboanga Peninsula, anim sa Northern Mindanao, at dalawa sa Soccsksargen.

Inaasahan nilang mada­ragdagan pa ang ­naturang bilang ng mga paaralan hanggang sa tuluyang maabot ang maximum 100 allowed schools.

Sa ilalim ng guidelines na ipinalabas ng DepEd at DOH, tanging mga fully vaccinated na school personnel lamang ang papayagang lumahok para sa naturang pilot ng face-to-face classes.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with