^

Bansa

Mga sektor na tinamaan ng oil price hike at bagyo, bigyan ng agarang ayuda

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si vice presidential candidate Senador Kiko Pangilinan sa gobyerno na bigyan ng agarang ayuda ang mga sektor na direktang tatamaan ng panibagong pagtaas ng presyo ng langis at mga naapektuhan ng kalamidad upang matiyak ang kanilang kabuhayan at mapigil ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Ginawa ni Pangilinan ang hiling kasunod ng panibagong big-time hike sa presyo ng diesel at gasolina, na umakyat ang halaga ng P1.50 at P1.80 bawat litro ayon sa pagkakasunod.

Ito ang ikawalong sunod na linggo na tumaas ang presyo ng langis. Sa nasabing panahon, umakyat ang presyo ng diesel ng P8.65 kada litro habang P7.20 sa bawat litro ng gasolina.

Mula nang mag-umpisa ang taon, nasa P18 na ang itinaas ng diesel habang P19.70 naman sa gasolina.

Ayon kay Pangilinan, panibagong pasanin na naman ito para sa mga Pilipino, dahil mauuwi ito sa pagtaas ng presyo ng bilihin at dagdag na pasakit sa mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan, magsasaka at mangingisda.

Para sa nagmamaneho ng pampublikong sasakyan, sinabi ni Pangilinan na posibleng magbigay ang pamahalaan ng subsidiya sa langis o di kaya’y cash ayuda bilang tulong.

Dapat ding bigyan ng agarang tulong ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng mga nakalipas na kalamidad.

vuukle comment

KIKO PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with