^

Bansa

'Alert levels' vs COVID-19 ipatutupad na sa ilang probinsya simula bukas

Philstar.com

MANILA, Philippines — Sisimulan nang ipatupad ang panibagong "alert levels" laban sa COVID-19 pandemic labas sa National Capital Region, bagay na naglalayong magluwag sa muling pagtakbo ng ekonomiya habang hinihigpitan lang ang maraming infections at overwhelmed ang health system.

Ito'y matapos aprubahan ng pandemic task force ng gobyerno ang IATF Resolution 144-D, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, Lunes.

"Simula bukas, a-bente ng Oktubre, ay in-expand na po ang alert level systems sa labas ng Metro Manila," wika ni Roque sa isang media briefing kanina.

"Magtatagal po ito hanggang katapusan, Oktubre a-trenta'y uno, 2021."

Alert Level 4 (pinakamahigpit):

  • Negros Oriental
  • Davao Occidental

Alert Level 3:

  • Cavite
  • Laguna
  • Rizal
  • Siquijor
  • Davao City
  • Davao del Norte

Alert Level 2:

  • Batangas
  • Quezon Province
  • Lucena City
  • Bohol
  • Cebu City
  • Lapu-lapu City
  • Mandalue City 
  • Cebu Province
  • Davao de Oro
  • Davao del Sur
  • Davao Oriental

Wala pang inilalagay na probinsya, highly urbanized centers (HUCs) o independent component cities (ICCs) sa pinakamaluwag na Alert Level 1 (pinakamaluwag), bagay na ibababa lang sa isang erya kung:

  • mabakunahan na ang 70% ng mga A2 (senior citizens) at A3 (people with comorbidites) sa lugar

Labas sa mga nabanggit na lugar sa itaas, iiral pa rin ang nakagawiang "community quarantine" restrictions laban sa COVID-19.

Kasalukuyang nakalagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang ika-31 ng Oktubre. Dahil diyan, pinapayagan na ang limitadong pagbubukas nang mas maraming establisyamento rito, gaya ng mga sinehan.

Sa kabila ng ito, Department of Health (DOH) pa rin ang magdedesisyon kung anong parte ng mga nabanggit na mga lugar sa itaas ang pwedeng ilagay sa pinakamahihigpit na "granular lockdowns," para hindi na magsara ng buo-buong mga probinsya o lungsod kaugnay ng COVID-19.

Nalilito pa rin kung anu-ano ang pinapayagan at ipinagbabawal sa bawat alert level system? Basahin ang gabay na ito ng Philstar.com.

Sa huling ulat ng DOH nitong Lunes, aabot na sa 2.72 milyon ang nahahawaan ng COVID-19. Hindi naman pinalad ang 40,761 sa kanila, dahilan para sila'y pumanaw sa virus. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

HARRY ROQUE

METRO MANILA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with