^

Bansa

Tagumpay vs communist terrorist nalalapit na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng hepe ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations, na si Major Gen. Rhodel O. Sermonia na malapit nang makamit ang tagumpay sa pakikipaglaban sa CPP-NPA-NDF.

Sa ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni Sermonia na ang PNP kasama ang lahat ng sangay ng pamahalaan sa pagsusulong ng “whole-of-nation approach”, ang tatapos sa limang-dekada ng insureksiyon ng CPP-NPA-NDF bago pa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30, 2022.

Ani Sermonia, matapos ang limang-dekada tanging ang Administrasyong Duterte lamang ang determinado na pagsama-samahin ang lahat upang masolusyunan ang problema ng insureksiyon. 

Sa mga nagdaang taon lamang aniya nakita ang unti-unting tagumpay gaya ng pagsasabatas ng anti-terror bill at ang pagbansag sa mga CPP-NPA bilang mga terorista, at maging ang mandato ng Executive Order 70 na nagtatag ng NTF-ELCAC.

Binigyan diin pa ni Sermonia na ang pagta­tagumpay laban sa CPP-NPA-NDF ay dahil na rin sa mahusay na paninindigan ni Duterte upang wakasan na ang paghahari-harian ng mga komunistang-terorista.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with