^

Bansa

Bakuna sa minors aprub na kay Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bakuna sa minors aprub na kay Duterte
A woman carrying a child, both wearing facemasks, stand outside a shop at Piliyandala on the outskirts of Sri Lanka's capital city Colombo on March 24, 2020, as the authorities briefly lifted a curfew to allow residents to stock up on essentials amid concerns over the spread of the COVID-19 coronavirus.
AFP/Lakruwan Wanniarachchi

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Pa­ngulong Rodrigo Du­terte ang pagbabakuna ng lahat ng mamamayan sa buong bansa kabilang ang mga menor-de-edad laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, inaasahan ang pagdating ng maraming bakuna sa bansa sa mga susunod na linggo na na­ging basehan ng  desisyon ng Pangulo.

“Ang good news, ina­prubahan na ni Presidente ang pagbabakuna ng ge­neral population simula po sa buwan ng Oktubre,” ani Roque.

Sinabi rin ni Roque na hinihikayat na ang mga magulang ng mga kabataan na ipalista ang kanilang mga anak.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Duterte na iniulat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na makakakuha ang bansa ng nasa 100 milyon doses ng bakuna sa katapusan ng Oktubre kaya palalawakin ang pagbabakuna sa general population kasama ang mga kabataan.

Maraming siyudad na rin aniya lalo na sa Metro Manila, Baguio, Cebu, Iloilo, at Davao ang lumampas na sa 50% ng target population ang nabakunahan.

Matatandaan na binigyan ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization ang Moderna at Pfizer-BioNTech vaccine para sa mga edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Maging ang Sinovac ay nag-aplay na rin sa FDA para mabigyan ng EUA para magamit ang bakuna sa mga kabataan.

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with