P20 papel puwede pang magamit
September 29, 2021 | 12:00am
MANILA, Philippines — Nilinaw ng Malacañang na fake news ang kumakalat na ulat na hindi na maaring magamit ang P20 papel.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nanatiling legal tender ang P20 na banknote.
“Ang bente pesos na banknote o paper bill ay nananatiling legal tender,” ani Roque.
Sinabi rin ni Roque na walang katotohanan na hindi na kikilalanin ang P20 na papel bago matapos ang taon.
Bukod sa P20 coin, magagamit pa rin aniya ang dalawampung pisong papel.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended