^

Bansa

Edad sa statutory rape itinaas na sa 16-anyos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Edad sa statutory rape itinaas na sa 16-anyos
Sa ngayon ang Pilipinas ang may pinakamababang edad ng sexual consent sa Asia na 12 taong gulang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang pagtataas sa 16 na taong gulang ng statutory rape age mula sa edad ngayon na 12-anyos.

Sa botong 22 at isang abstentention ay ipinasa ang Senate bill 2332 kung saan nakasaad na aamyendahan ang Republic 3815 o ang Special Protection of Children Against Abuse, exploitation and discrimination act.

Kaya maituturing na statutory rape ang pakikipagtalik sa babae o lalaki na may edad 16 taong gulang pababa at maaari rin makasuhan kahit lalaki o babae.

Nakasaad naman sa panukala na maliligtas lang sa kasong kriminal kapag hindi lalampas sa tatlong tao ang katandaan dito o walang pwersa, subalit kung ang biktima ay 13 taong gulang pababa ay otomatik na ito na statutory rape.

Sa ngayon ang Pilipinas ang may pinakamababang edad ng sexual consent sa Asia na 12 taong gulang.

 

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with