^

Bansa

Matatag na internet, batas sa e-commerce isinulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang maaasahang internet, mabisang mga batas sa e-commerce at intellectual property upang maisulong ang mga bagong negosyo sa bansa partikular na sa larangan ng teknolohiya.

Binigyang diin ni Salceda (2nd District, Albay) na upang mabisang maisulong ang mga bagong negosyo ay kailangan ang mga magagaling na manggagawa na mayorya rito ay mula sa mga mahuhusay na pamantasang lokal; pondong puhunan mula sa pamahalaan at pribadong sektor kabilang ang ‘private capital markets’.

Gayundin ang mabilis at maasahang internet; malapit na daan sa mga kaalaman at data na kaila­ngan ng mga bagong negosyo sa pagtugon sa mga problema. Kabilang din dito, ayon pa sa solon ay ang mabibisang batas na titiyak sa pag-aari ng intellectual property rights at mahuhusay na batas sa electronic commerce.

Si Salceda ang pangunahing may-akda ng tatlong mahahalagang panukalang batas na naglalayong patatagin ang kapaligiran ng negosyo at pamumuhunan sa bansa na inaasahang maipapasa ng Kongreso ngayong taon.

 

vuukle comment

INTERNET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with