^

Bansa

Pharmally exec na tumestigo sa face shields, nawawala

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pharmally exec na tumestigo sa face shields, nawawala
Ito ang pag-aala­lang inihayag ni Sen. Richard Gordon, chairman ng komite sa kanyang twitter account na sinabing hindi na nila makontak si Krizle Grace Mago.
Screen grab / Senate of the Philippines YouTube page

MANILA, Philippines — Hindi na makontak ng Senado ang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na nagbunyag sa Se­nate Blue Ribbon Committee na nagbebenta ang kanilang kumpanya ng mga expired at substandard na face shields.

Ito ang pag-aala­lang inihayag ni Sen. Richard Gordon, chairman ng komite sa kanyang twitter account na sinabing hindi na nila makontak si Krizle Grace Mago.

Nag-alala pa si Gordon na baka mayroong nangyari kay Mago dahil sa mabibigat na testimonya niya.

Sa pagdinig noong Biyernes, nag-alok ang Senado na isailalim sa proteksyon si Mago, subalit sumagot lang ito na kailangan niya ng oras para pag-isipan ang alok ng mga senador dahil empleyado pa rin umano siya ng Pharmally na dapat niyang ikonsidera.

Si Mago ay itinutu­ring din na isa sa incorporators ng nasabing trading company at nagsisilbi ring head ng regulatory affairs.

Noon ding Biyernes ay ibinunyag ng isa pang empleyado ng Pharmally na pinapalitan nila ang expiration date ng mga face shield mula sa taong 2020 ay ginagawang 2021 at kahit na sira-sira, marurumi ay nire-repacked nila ito at nilalagyan ng sticker ng Department of Health (DOH) para magmukha itong bago.

Inamin naman ni Mago ang nasabing alegasyon at ginagawa umano nila ito base na rin sa utos ni Mohit Dargani na executive secretary at treasurer ng kumpanya.

Samantala sa inilabas na timeline ng tanggapan ng senador, 7:27 ng gabi ng Setyembre 24 nila hu­ling nakausap si Mago kung saan sinabi niya na babalikan sila nito matapos ang hearing.

Alas-8:15 ng umaga ng Setyembre 26 ng i-follow up ng komite si Mago ay hindi na ito makontak at alas-9:13 ng umaga ng muli siyang tawagan ay hindi na rin mahagilap.

vuukle comment

PHARMALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with