^

Bansa

Mas maraming trabaho abroad para sa OFWs nakahanda na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mas maraming trabaho abroad para sa OFWs nakahanda na
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na ipa-prayoridad nila ang mga OFWs na nawalan ng trabaho sa mga bagong posisyon na nasa hapag na ngayon.
Presidential Photo

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Department of Labor and Employment (DOLE) na may nakalaan nang mga trabaho sa ibang bansa para sa mga overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi ni Bello na ipa-prayoridad nila ang mga OFWs na nawalan ng trabaho sa mga bagong posisyon na nasa hapag na ngayon.

“Sa kasalukuyan, gumagawa kami ng mas maraming employment destination para sa mga overseas Filipino workers.  Ito ang rason kaya pumapasok kami sa mga kasunduan sa Canada, Russia, China at maging sa Bangkok para sa bila­teral agreements,” ayon kay Bello.

Habang limitado pa rin dulot ng mga travel res­trictions sa ibang bansa ang pagpapadala ng mga OFWs, pinayuhan ni Bello ang mga manggagawang Pinoy na ipagpatuloy lang na paunlarin ang kanilang mga skills at iba pang kaalaman habang nandirito sa Pilipinas.

Tinatayang nasa 702,000 OFWs ang na-repatriate sa bansa magmula nang mag-umpisa ang pandemya. Nabigyan naman umano sila ng tulong sa pangunguna ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). =

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with