^

Bansa

DSWD naka-ready sa food packs ‘pag pinalawig ang granular lockdown sa buong bansa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DSWD naka-ready sa food packs �pag pinalawig ang granular lockdown sa buong bansa
“In case po na ang ating granular lockdown ay maging widespread, nationwide, na-allocate na po namin, na-estimate na po namin ang pangangaila­ngan natin,” ani DSWD Assistant Secretary Glenda Relova.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakahanda sila na makapagpamahagi ng food packs kahit pairalin pa sa buong bansa ang new alert level system.

“In case po na ang ating granular lockdown ay maging widespread, nationwide, na-allocate na po namin, na-estimate na po namin ang pangangaila­ngan natin,” ani DSWD Assistant Secretary Glenda Relova.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang DSWD sa Department of Budget and Management (DBM) upang matiyak na makapaghanda para sa pamamahagi saan mang sulok sa bansa.

Nabatid na sinabi ni  Interior Undersecretary Epimaco Densing III na nagpa-plano na ang pamahalaan na palawakin  ang pagpapatupad ng new alert level system sa mga lalawigan at mga lungsod sa labas ng Metro Manila na kabilang sa urbanized cities.

Una nang sinabi ni Relova na nakapaghanda na ng libong food packs ang DSWD na ipamimigay sa mga residente ng Metro Manila na apektado ng granular lockdown sa gitna ng pandemya.

Sa ilalim ng panuntunan ng new alert level system na sinubukang pairalin sa National Capital Region (NCR), ang DSWD ang bahala sa food assistance ng mga apektado ng two-week granular lockdown sa ikalawang linggo, habang ang unang linggo ay sasagutin naman ng lokal na pamahalaang nakasasakop.

Batay sa bagong panuntunan ng pamahalaan, ang mga nasa Alert Level 4 ay ang mga lugar na may mataas na bilang ng mga kaso ng CO­VID-19 o patuloy sa pagtaas habang mataas din ang utilization rate ng hospital beds at ICU beds.— Mer Layson

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with