^

Bansa

Sakripisyo ng PNP sa pandemya pinuri ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasalamatan at pinuri ni Senator Christopher “Bong Go”  ang Philippine National Police (PNP) sa patuloy na sakripisyo at pagtupad nito sa tungkuling protektahan ang mga Filipino sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic

Sa kanyang virtual speech sa ika-120 Police Service Anniversary ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Biyernes, sinabi ni Go na sa mahigit isang siglo na, ang PNP ay tunay na palaging maaasahan bilang tagapagbantay ng kapayapaan, kaa­yusan at seguridad ng bansa.

At sa panahon ngayon ng pandemya, kinilala ni Go ang pambansang pulisya, katuwang ang uniformed personnel, sa patuloy na pagtataya ng kanilang buhay para maprotektahan ang mga Filipino sa dalang panganib ng mga masasamang loob.

“Salamat sa mga pulis sa inyong sakri­pisyo sa panahon ngayon. Bago ko po makalimutan, sa lahat po ng mga pulis, mga militar, lahat – bumbero, BJMP. Salamat po sa inyong sakripisyo sa panahon ngayon dahil kayo po ang maituturing na mga frontliners sa panahon ngayon,” ani Go.

Kagaya ng mga pulis, sinabi ni Go na sila man ni Pangulong Rodrigo Duterte ay committed na sa pagpapakita ng pagsisikap at malasakit para sa Filipino, lalo ngayong panahon ng krisis.

“Speaking about Tapang at Malasakit, ako po’y natutuwa. ‘Yan po ang ipina­ngako ng gobyerno ni Pangulong Duterte at nakita ko kanina sa inyong video presentation na iyan rin po ang inyong sinusunod na paniniwala,” ani Go.

“Hindi lang po tapang ang kailangan dito. Kailangan din po ‘yung pagmamalasakit sa ating kapwa Pilipino lalung-lalo na po sa panahon ngayon. At iyong inyong social responsibility – ako’y natutuwa po ‘no,” anang pa ng senador.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with