^

Bansa

COVID death toll sa PNP, 116 na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 116 ang death toll sa hanay ng mga opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) na tinamaan ng COVID-19.

Sa report ng PNP Health Service, ang ika-116 na nasawi sa COVID ay isang 58-anyos na non-uniformed personnel na nakatalaga sa Region 8.

Ang biktima ay dumaing ng hirap sa paghinga at matindi ang ubo noong Setyembre 19 at dinala ng pamilya nito sa Northern Samar Provincial Hospital pero dahilan sa maselang kondisyon nito ay inirekomendang inilipat sa hospital sa Tacloban City.

Noong Setyembre 20, ililipat na sana ang pasyente sa hospital pero dahilan sa malubhang kondisyon nito ay na-intubate kung saan isinailalim ito sa RT-PCR test at nagpositibo sa virus.

Setyembre 21 ang pasyente ay dumanas ng cardiac arrest at idineklarang patay na ng kaniyang attending physician.

Lumilitaw naman sa medical records ng pasyente na may comorbidities ito tulad ng gastrointestinal rheumatic disease, anxiety, spondylosis of the spine, pneumonia at wala pang bakuna laban sa COVID-19.

Nasa 39,115 na ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa PNP at 36,720 ang nakarekober.

Samantalang sa PNP vaccination rollout, 158,301 o 71.09 % ang fully vaccinated na habang 56,017 o 25.15 % ang nakatanggap na ng unang dose. Sa kasalukuyan nasa 8,374 o 3.76 % na mga police personnel ang hindi pa nababakunahan. (=

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with