Bongbong Marcos inendorso ng KBL na presidential bet sa 2022
MANILA, Philippines — Inendorso ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang presidential candidate sa eleksyon sa susunod na taon.
Ang KBL ang partidong pulitikal na itinayo ng ama ni Bongbong, ang namayapang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ginawa ang nominasyon ni Marcos sa isang national assembly sa Binangonan, Rizal.
Ang resolusyon para sa nominasyon ni Marcos ay inaprubahan ng lahat ng opisyal at mga miyembro ng partido.
Sinabi ni Marcos sa isang online forum na malapit na niyang ianunsiyo ang desisyon kung tatakbo siya sa isang national post.
Pinasalamatan ni Marcos ang KBL sa pagsuporta sa kanya bagaman at hindi pa tinatanggap ang nominasyon.
- Latest