^

Bansa

'Peak active cases' na 58,124 sa Metro Manila itinataya ng DOH sa ika-1 ng Oktubre

James Relativo - Philstar.com
'Peak active cases' na 58,124 sa Metro Manila itinataya ng DOH sa ika-1 ng Oktubre
A policeman using a megaphone calls out a fellow policeman as he guides motorists at a border check point in Marikina City, suburban Manila on August 6, 2021, after authorities imposed another lockdown to slow the spread of the hyper-contagious Delta variant and ease pressure on hospitals while trying to avoid crushing economic activity.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Posibleng tumuntong lagpas 58,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) lang sa pagtatapos ng buwan, bagay na halos one-third na ng aktibong kaso ng infections sa bansa sa kasalukuyan.

Ito ang lumalabas sa panibagong projections ng Department of Health (DOH) at FASSSTER na inanunsyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum, Biyernes.

"Sinasabi [na] per active cases, we might reach about 58k by the end of September for active cases and by the end of October, we might have about 46k," wika ni Vergeire kanila.

"For daily cases, by the end of Sept. we might have 6k cases per NCR and by the end of Oct. we might have about 4,450."

Ito ang sabi ni Vergeire matapos banggitin ni OCTA Research fellow Guido David nitong Linggo na maaaring naabot na ang "peak" sa latest COVID-19 surge matapos nilang makapagtala ng weekly negative growth rate sa unang pagkakataon simula Mayo.

Lumalabas ang mga naturang numero matapos sabihin ng Kagarawan ng Kalusugan na bumababa na ang trends ng hawaan ng virus sa Metro Manila nitong nakaraan.

Sa kasalukuyang pagtataya ng DOH, ito ang lumalabas na projections ng mga aktibong kaso sa punong rehiyon, bagay na kumakatawan sa mga hindi pa gumagaling sa sakit: 

  • ika-19 ng Setyembre (55,547)
  • ika-30 ng Setyembre (58,117)
  • ika-15 ng Oktubre (54,780)
  • ika-31 ng Oktubre (46,563)

Tinatayang mangyayari naman ang "projected peak" sa COVID-19 active caes sa Kamaynilaan sa bilang na 58,124 pagsapit ng ika-1 ng Oktubre.

"Kailangan lang maintindihan natin na these projections are not set in stone," paliwanag pa ni Vergeire kanina.

"Linggu-linggo nagbabago ang assumptions sa mga model na ginagamit na yan. These are projections, it doesn’t mean that it is going to happen with 100% certainty."

Wika pa niya, iba na ang itsura ng mga kaso nitong dalawang linggo lalo na't mas lumalaki na ang nasasaklaw ng COVID-19 vaccinations sa ngayon.

Nakikita na rin ng gobyerno na tumataas ang pagsunod ng publiko sa minimum public health standards habang umiiksi naman ang duration ng detection to isolation lalo na sa kaso ng NCR.

Pagbaba ng Alert Levels sa Metro Manila

Bagama't pababa naman daw ang trends na nakikita sa hawaan ngayon, tinitignan pa ng DOH kung posible nang ibaba sa mas maluwang na Alert Level 3 ang pilot implementation ng bagong COVID-19 curbs sa ngayon.

"'Yun pong pagtra-transition ng [NCR] into a different alert level, pinag-aaralan pa ho nating maigi," sambit pa ng DOH official.

"We are looking at different parameters, even their testing output. Kailangan ma-analyze po namin nang maigi bago tayo magkaroon uli ng rekomendasyon if they will have a lower alert level or they will maintain this alert level."

Sa ilalim ng kasalukuyang Alert Level 4 ng Metro Manila, pinapayagan na uli ang maraming bagay na hindi pinapayagan sa ilalim ng noo'y Modified Enhanced Community Quarantine, dahilan para makapagbukas ang mas maraming negosyo at trabaho. Kasabay nito, nagpapatupad na lang ng mas mahihigpit na granular lockdowns kung nasaan ang konsentrasyon ng mga hawaan.

Nangyayari ang mga nabanggit ngayong nagdesisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte na limitahan na lang ang pagre-require ng face shields kasabay ng face masks sa closed, crowded at close contact areas.

Sa huling taya ng DOH nitong Huwebes, umabot na sa 2.43 milyon ang tinatamaan ng virus sa Pilipinas. Hindi naman pinalad ang nasa 37,405 sa bilang na 'yan na siyang pumanaw na mula sa virus.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

METRO MANILA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with