^

Bansa

Tulong sa pagpapauwi ng bangkay ng mga Pinoy na napatay sa giyera sa Benghazi, hingi ng PRC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tulong sa pagpapauwi ng bangkay ng mga Pinoy na napatay sa giyera sa Benghazi, hingi ng PRC
Nabatid na noong Setyembre 21, 2021, lumiham si PRC Chairman at CEO, Senator Richard Gordon kay Mr. Marei Abdul Hamid Al-Darsi at sa Libyan Red Crescent (LRC) para mahukay, matukoy at maiuwi na ang mga labi ng anim na biktima, na kinabibilangan ng apat na Pinoy, isang Austrian at isang Czech, na dinukot at pinatay ng mga tauhan ng ISIS noong 2015.
STAR / Joven Cagande, File

MANILA, Philippines — Humihingi ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa Libyan Red Crescent para mahukay at maiuwi na sa bansa ang mga bangkay ng mga Pinoy na napatay sa giyera sa Benghazi.

Nabatid na noong Setyembre 21, 2021, lumiham si PRC Chairman at CEO, Senator Richard Gordon kay Mr. Marei Abdul Hamid Al-Darsi at sa Libyan Red Crescent (LRC) para mahukay, matukoy at maiuwi na ang mga labi ng anim na biktima, na kinabibilangan ng apat na Pinoy, isang Austrian at isang Czech, na dinukot at pinatay ng mga tauhan ng ISIS noong 2015.

Sa ngayon, ang Phi-lippine Embassy kasama ang International Committee of the Red Cross (ICRC), na kasaluku-yang nakabase sa Tunis, Tunisia, ay nakikipag-coordinate sa LNA at sa forensic specialist nito upang tukuyin at i-deploy ang isang forensic team mula sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Derna, Libya upang tumulong.

Ang Austrian at Czech Embassies naman sa Tunis ay humingi ng tulong sa Philippine Embassy upang katawanin sila.

Noong 2019, natukoy na ng mga volunteers at staff ang libingan at nag-initiate ng hakbang upang matukoy ang mga labi ng mga biktima.

Gayunman, dahil sa mga hostilities, border closure, at mga travel restrictions sa pagitan ng Tripoli at Benghazi, hindi masimulan ng embahada ng Pilipinas ang excavation, identification, at malaunan ay repatriation ng mga labi.

vuukle comment

PRC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with