^

Bansa

Parak, timbog sa indiscriminate firing

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Parak, timbog sa indiscriminate firing
Ang suspek ay nakilalang si PCpl. Lester John Dela Vega Solano, 33, nakatalaga sa Tactical Motorcycle Riders Units (TMRU) ng Manila Police District (MPD) Sta. Cruz Police Station 3, at residente ng Brgy. San Jose, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang pulis ang ina­resto ng kanyang mga kasamahan matapos na magpaputok ng baril sa Brgy. Mariblo, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay nakilalang si PCpl. Lester John Dela Vega Solano, 33, nakatalaga sa Tactical Motorcycle Riders Units (TMRU) ng Manila Police District (MPD) Sta. Cruz Police Station 3, at residente ng Brgy. San Jose, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-10:08 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa may basketball court, na matatagpuan sa Bernardo St., Brgy. Mariblo, sa lungsod.

Nauna rito, humingi ng police assistance si Kagawad Jun Obiña, ng Brgy. Mariblo, sa Masambong Police Station 2, ng QCPD, dahil sa uma­no’y pagpapaputok ng baril ng suspek, sanhi upang matakot ang mga residente.

Mabilis namang ru­mesponde ang mga pulis at kaagad na inaresto ang suspek, na hindi na pumalag at kusa nang isinurender ang kanyang .9MM na baril.

Hindi naman binanggit ng pulis ang dahilan ng kaniyang pagpaputok ng baril sa kanilang barangay.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with