^

Bansa

Face shield requirement nilimitahan sa 3 lugar, deins na kailangan sa iba pa

James Relativo - Philstar.com
Face shield requirement nilimitahan sa 3 lugar, deins na kailangan sa iba pa
A passenger wearing a face mask and shield to protect herself against the Covid-19 coronavirus disembarks from a jeepney on a street in Manila on September 7, 2021, a day before the authorities lift a stay-at-home order amid record infections fuelled by the contagious Delta variant.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Hindi na oobligahin ang face shields sa lahat ng pampublikong lugar laban sa COVID-19, maliban sa tatlong lugar na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging desisyon ni Duterte sa inilabas na rekomendasyon ng technical advisory group at medical experts na gumamit lang ng face shield kasabay ng mask tuwing may "high risk activities" sa ilang lugar.

"No more face shields outside," ani Duterte sa kanyang televised speech sa state-run media na inere Miyerkules ng gabi.

"Ang limitasyon, ang face shields gamitin mo Three Cs: closed whatever facility, ospital o basta magkadikit-dikit; crowded, ganoon rin, it’s a crowded room tapos closed lahat, mas delikado; and saka ang close contact, kung magkadikit-dikit ang tao. So diyan applicable pa rin ang face shield."

Paliwanag ng presidente, ni-reimpose niya ang pagpapagamit nito dahil na rin sa takot sa COVID-19. Hunyo kasi nang una niyang sabihin na tatanggalin niya ito, bagay na pinalagan ng Department of Health.

Aniya, kahit na anong makatutulong para madagdagan ang proteksyon ng taumbayan sa sakit, gagawin niya, kahit may kaonting inconvenience.

Una nang nananawagan ang ilang sektor na 'wag na itong iobliga sa mga pampublikong lugar kung saan malaya namang nakaiikot ang hangin at mas mababa ang risk ng infection.

"Labas sa tatlong limitations, puwede na hindi na gumamit. Eh iyon ang recommendation, ‘yun ang masunod. Hindi naman ako expert," patuloy ng pangulo.

"Mine was just a... knee reaction noong dumating ‘yung balita na... mabilis na ang pasok ng COVID dito sa ating bansa. So, I have ordered that the implementation guidelines be issued immediately."

Disyembre 2020 nang sabihin ng Palasyo na bawal lumabas ng bahay nang walang face shield sa ibabaw ng face mask, batay na rin sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases Resolution 88.

Gayunpaman, exemptions to the rule ang mga gumagamit ng active transport gaya ng bisikleta at ilang manggagawang nahihirapang magtrabaho tuwing nagmo-moist ang shield outdoors.

Matatandang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na meron nang mga pag-aaral tungkol sa karagdagang "additive effect" ng pagsasabay ng dalawa, bagay na aabot daw sa 99% protection kung may face, shield at distancing.

Umabot na sa 2.41 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling taya ng DOH nitong Miyerkules. 37,228 naman sa kanila ang patay na ngayon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

FACE MASK

FACE SHIELD

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with