^

Bansa

‘The best na bakuna at gamot’ vs COVID-19, target ni Doc Willie

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�The best na bakuna at gamot� vs COVID-19, target ni Doc Willie
Ito ang idiniin ni Doc Willie Ong sa kaniyang talumpati sa opisyal na deklarasyon ng kaniyang kandidatura sa pagka-Bise Presidente sa darating na halalan sa Mayo 2022 katambal si Manila Mayor Isko Moreno bilang kandidato sa pagka-Pangulo sa ila­lim ng partidong Aksyon Demokratiko.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Tututok umano si Doc Willie Ong sa pagpapa-lakas sa ‘healthcare system’ ng bansa at paglaban sa COVID-19 sa pagkuha ng pinakatamang bakuna at gamot para sa mga Pilipino.

Ito ang idiniin ni Ong sa kaniyang talumpati sa opisyal na deklarasyon ng kaniyang kandidatura sa pagka-Bise Presidente sa darating na halalan sa Mayo 2022 katambal si Manila Mayor Isko Moreno bilang kandidato sa pagka-Pangulo sa ila­lim ng partidong Aksyon Demokratiko.

“Ano goal natin, sim-ple; eto ang kaya ko, eto madali sa akin. ‘Yung mga darating, ‘yung isasaksak the best, ‘yung gamot the best,” ayon kay Ong nang pormal na magdeklara ng kandidatura 
“’Di ko sisirain [ang] pa-ngalan ko para doon, the best na gamot, the best na gamit, kung ano ang kinukuha sa America sa Europe, kawawa naman kung wala tao nun,” dagdag niya.
Ngunit ibinunyag ni Ong na isang beses niyang tinanggihan ang alok ni Moreno na sumama sa kaniyang tiket dahil wala talaga umano ito sa kaniyang plano. Nagdesisyon siya na tanggapin ang alok nang mamatay ang kaniyang ina at makita na kailangan pa niyang magsagip ng mas maraming buhay.

“Isa pa nakita ko kay Yorme, kailangan natin   ngayon health workers.  Nakikita ko mga doctor nag-iiyakan na, nag­ma­ma­­ka­awa mga nurse. Never ko nakitang umiyak ‘yan,” saad pa ni Ong. “Eto na oppor­tunity, sino ba ako para tumanggi?” giit niya.

May panawagan din siya sa mga kapwa niya health workers, kailangang bumalik na sa trabaho sa mga ospital at huwag munang maghintay ng Mayo.  Kailangan umanong tumulong ngayon dahil sa buhay ang pinag-uusapan sa kasalukuyan,” dagdag niya.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with