^

Bansa

Patuloy na mag-aral kahit may krisis

Pilipino Star Ngayon

Bong Go sa kabataan

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kabataan na huwag bibitiw sa kanilang pangarap sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa kabila ng mga krisis na kinakaharap ng bansa, katulad ng pandemya.

“Sa mga kabataan, para po ito sa inyo. Mag-aral po kayo nang mabuti, kayo po ang kinabukasan ng bayang ito. Pangalawa, sasaya po ang inyong mga magulang kapag nakapagtapos kayo ng pag-aaral,” ayon kay Sen. Go.

Ayon sa senador, napakaimportante ng edukasyon dahil ito ang tanging puhunan sa mundo kahit na may krisis na hinaharap sa paraang ligtas at hindi mailalagay sa peligro ang buhay nila at ng mga pamilya.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos siyang mamahagi ng ayuda sa libong indibiduwal at iba’t ibang sectoral groups sa Ayungon at Tayasan, Negros Oriental, bilang bahagi ng kanyang tungkulin na tulungan ang mga naghihirap na komunidad para makabangon sa hamon na hatid ng pandaigdigang pandemya.

Nagsagawa ang grupo ni Go ng relief operation sa Municipal Gym sa Ayungon at sa Brgy. Poblacion Gym sa Tayasan. Igrinupo-grupo ang nasa 265 benepisyaryo bilang pagsunod sa safety at health protocols.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with