^

Bansa

Pacquiao ‘goodbye’ na sa boxing

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao �goodbye� na sa boxing
“Boxing career ko, tapos na,” ani Sen. Manny Pacquiao sa isang episode ng vlog ni Toni Gonzaga.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Goodbye na sa mun-do ng boksing si eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao dahil isesentro na nito ang kaniyang atensiyon sa pagtakbong pangulo sa halalan sa 2022.

“Boxing career ko, tapos na,” ani Pacquiao sa isang episode ng vlog ni Toni Gonzaga.

Ayon kay Pacquiao, mismong ang pamilya na nito ang nagsabing itigil na ang boksing dahil marami naman na itong nabigay na karangalan sa bansa sa loob ng mahigit dalawang dekadang pagboboksing.

“Matagal na rin ako sa pagbo-boxing. ‘Yung pamilya ko, lagi sinasabi na tama na. Nagtuluy-tuloy lang ako kasi passio­nate ako sa sport na ito,” ani Pacquiao.

Nangako si Pacquiao na hindi pa rin ito mawa- wala sa senaryo dahil handa itong tulungan ang mga baguhang boksingero upang muling makahu-bog ng isang world champion gaya niya.

“Magsu-support na lang ako ng boksingero para magkaroon tayo ng champion ulit,” wika ni Pacquiao.

Magagawa ito ni Pacquiao sa pamamagitan ng kaniyang MP Promotions na siyang humahawak sa ilang baguhang boksingero gaya ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.

Huling nasilayan sa aksyon si Pacquiao noong Agosto 21 sa Las Vegas, Nevada kung saan lumasap ito ng unanimous decision loss kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas.

Nagparamdam na ng pagreretiro si Pacquiao sa post-fight press conference.

Dahil dito, hindi na ma­­t­u­tuloy ang planong rematch na magsisilbi sanang farewell fight ni Pacquiao kontra kay Ugas.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with