^

Bansa

DOH kumambiyo, pagbakuna sa edad 12-17 ‘di pa aprubado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
DOH kumambiyo, pagbakuna sa edad 12-17 �di pa aprubado
Binigyan ng clearance to release ng tauhan ng Customs-NAIA ang shipment ng mahigit 2 milyong doses ng Pfizer vaccine na dumating nitong Linggo ng gabi sa NAIA terminal 3 mula sa COVAX facility.
BOC-NAIA photo

MANILA, Philippines — Kinontra kahapon ng Department of Health (DOH) ang unang pahayag ng isa nilang opisyal at iginiit na hindi pa umano ganap na inirerekomenda nila ang pagpapabakuna sa mga batang nasa edad 12-17 taong gulang.

Sinabi ni DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa umano ng kanilang Vaccine Expert Panel ang kaligtasan at pagiging patas ng pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa naturang age-group.

Kabaligtaran ito sa unang pahayag ni Undersecretary Myrna Cabotaje na pumayag na ang VEP na bakunahan ang mga bata at tinitignan na ang buwan ng Oktubre sa posibilidad na pag-uumpisa nito.

“We’d like to emphasize that she (Cabotaje) might just be referring to the emergency use authority given to Pfizer and Moderna,” ayon kay Vergeire.

Una nang binigyan ng EUA ng Food and Drugs Administration (FDA) ang naturang dalawang manufacturers ng bakuna para sa mga bata. Ngunit magagamit lamang ito sa mga bata kung maglalabas na ng rekomendasyon ang DOH at VEP.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with