^

Bansa

Pacquiao tuloy na sa pagka-presidente

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao tuloy na sa pagka-presidente
Sa 11th National Assembly ng partido, inen­dorso si Sen. Manny Pacquiao ng mga opisyal at mga miyembro buhat sa ibat ibang chapter ng PDP-Laban. Malugod namang nagpasalamat at tinanggap ng senador ang nominasyon sa kanya.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pormal nang inanunsiyo ng PDP-Laban Pimen­tel faction ang nominasyon kay Sen. Manny Pacquiao bilang standard bearer ng partido para sa 2022 presidential elections.

Sa 11th National Assembly ng partido, inen­dorso si Pacquiao ng mga opisyal at mga miyembro buhat sa ibat ibang chapter ng PDP-Laban. Malugod namang nagpasalamat at tinanggap ng senador ang nominasyon sa kanya.

Ayon kay Pacquiao, sa buong buhay niya ay wala siyang inatrasang laban dahil sa ngalan ng prinsipyo at karangalan ng bayan ay tumayo siya at nanindigan sa pakikipag­laban.

Higit anya sa partido, prinsipyo at paninindigan, ang mahalaga higit sa sarili ay bayan muna dapat ang mauna.

Tila nagbanta rin ang senador sa umano’y mga nagsamantala sa bayan na malapit na sila sa kulungan at sinabing sawa na ang taumbayan sa kanilang mga pangako.

Sa nasabi rin pagtitipon, inihayag ni Sen. Koko Pimentel na lalaban sila sa mga “hijackers” ng PDP-Laban na inihalintulad niya sa isang sasakyan na tinatangka ng grupo ni Ener­gy Secretary Alfonso Cusi na i-hijack.

Pinasaringan din ni Pimentel ang grupo ni Cusi na marami nang sasakyan subalit nang-aagaw pa at tinawag na swapang, subalit hindi umano nila ito papayagan dahil isa lang ang kanilang partido.

vuukle comment

PDP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with