^

Bansa

Namatay sa stroke, halos 100K na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Namatay sa stroke, halos 100K na
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), limang sakit ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng maraming Pilipino noong nakaraang taon tulad ng heart attack, cancer, diabetes, chronic lung disease at stroke na tinatawag ng mga doktor na non-communicable diseases.
STAR/ File

Publiko, pinag-iingat

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng mga eksperto ang publiko na mag-ingat sa stroke na kumitil na umano sa buhay ng halos 100,000 indibiduwal noong nakaraang taon.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), limang sakit ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng maraming Pilipino noong nakaraang taon tulad ng heart attack, cancer, diabetes, chronic lung disease at stroke na tinatawag ng mga doktor na non-communicable diseases.

Sa webinar naman na pinangunahan ng Menarini Asia-Pac at mga ekspertong doktor, hinikayat nila ang publiko na huwag lamang sa COVID-19 mag-ingat at sa halip ay maging ‘aware’ rin sa iba pang nakamamatay na sakit.

Ayon kay Dr. Marcellus Ramirez ng Phi­lippine Heart Rhythm Society, ang stroke ay kadalasang nauuwi sa heart attack at malaunan ay kamatayan.

Anila, madalas na biktima ng stroke ay ang edad 70 pataas na may mga sakit sa puso, kidney, lung desease, dia­betes, high blood pressure, thyroid problems, sleep apnea at metabolic syndrome.

Gayunman, nagbabala si Dr. Johnny Lokin ng Stroke Society of the Philippines, na nanga­nganib din sa stroke ang mga edad 40 pataas dahil sa sobrang stress, kawalan ng disiplina sa pagkain at kakulangan ng kaalaman tungkol dito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with