^

Bansa

Dine-in hirit gawing 50% capacity

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dine-in hirit gawing 50% capacity
Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na ang kanyang suhestyon ay dahil na rin sa realidad na hindi sapat ang kikitain ng mga establisimyento kung mananatili lamang sa 10% ang operating capacity.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Umapela si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na taasan sa 50% ang capacity para sa mga dine-in at personal care services sa mga bakunado sa fourth quarter ng taong 2021.

Sinabi ni Concepcion na ang kanyang suhestyon ay dahil na rin sa realidad na hindi sapat ang kikitain ng mga establisimyento kung mananatili lamang sa 10% ang operating capacity.

Kaya umaasa siya na sa fourth quarter o bandang Oktubre, Nobyembre at Disyembre ay tataasan na sa 50% ang kapasidad para sa mga dine-in at personal care services.

Subalit nilinaw ni Concepcion na ang pagtataas ng kapasidad ay para lamang sa mga fully vaccinated.

Sa kabila nito sisiguruhin na lamang umano na maglagay pa mas maayos na bentilasyon ang mga establisimyento tulad ng restaurants para mas maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

Sa kasalukuyang quarantine restriction, 10% lamang ang pinapayagan na kapasidad para sa dine-in ng mga bakunado habang 30% maximum capacity sa outdoor o al fresco dining para sa bakunado o hindi bakunado.

vuukle comment

JOEY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with