^

Bansa

Bakunadong Pinoy nasa 18.2 milyon na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot na sa 18.2 milyong Pilipino ang bakunado o ‘fully-vaccinated’ na mula nang umpisahan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination drive noong Marso 1.

Sa datos ng Department of Health (DOH), halos 41 milyong doses na ng iba’t ibang brand ng bakuna ang naipamahagi nila sa buong bansa nitong Setyembre 18.

Sa mga nakatanggap ng unang dose ng Sputnik V vaccine, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na maaari pa rin naman silang mabakunahan ng ikalawang dose dahil sa maaaring uma­bot ng hanggang 40 araw ang paghihintay para makumpleto ang kanilang bakuna.

Makukumpleto na umano ang kanilang doses dahil sa pagdating nitong Sabado ng 190,000 doses ng Sputnik V.

Hinihiling din ng Pilipinas sa COVAX facility na dagdagan ang ipinapadalang bakuna ng Johnson &Johnson na ‘one-dose’ lamang dahil sa ito ang pinapaboran nila para sa mga ‘senior citizens’ at maging sa mga Muslim lalo na ang mga Badjao na palipat-lipat umano ng lugar na tinitirhan.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with