^

Bansa

Bagong alert level system sa NCR ‘di pagluluwag - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of Health (DOH) na ang pagpapatupad ng bagong alert level system sa Metro Manila ay hindi para magluwag sa quarantine restrictions kundi upang mas matutukan ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Inihayag ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos sabihin ni World Health Organization (WHO) country representative Rabindra Abeyasinghe na hindi dapat ma­ging relax sa quarantine restrictions dahil hindi pa naman sapat ang bilang ng mga nabakunahan sa bansa.

“I think maraming tao ang nagkakaroon ng maling pananaw dito sa ginagawa nating pilot implementation. So hindi po tayo nagluluwag, una

po ‘yan. Kailangan pong maintindihan natin na nag-restrategize po tayo para mas may focus ang  ating response,” ani Vergeire.

Mas binibigyang-pansin ngayon ng gobyerno ang mga ‘highly-burdened areas’ sa umiiral na granular lockdowns.

Nilinaw pa niya na ang bagong lockdown system ay tututok din sa framework ng “3Cs” (closed spaces, crowded places, at close-contact settings) mga pagbababawal sa indoor activities, crowding, at dapat isagawa sa mga lugar na hindi ipinatutupad ang minimum health standards.

Ang Metro Manila ay isinailalim sa alert level 4 sa unang linggo ng pilot implementation ng alert level system ng CO­VID-19.

Kabilang sa alituntunin sa Alert Level 4 ang pagbabawal na makalabas ng bahay ang mga wala pang 18-anyos, mahigit 60-anyos, may comorbidities o immunodeficiency, at mga buntis.

Ang mga pribadong establisimyento naman ay nasa minimal on-site capacity; work-from-home at flexible work arrangement.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with