^

Bansa

10% dine-in sa NCR practice pa lang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Practice pa lang ang 10% capacity para sa mga business establishments na pinapayagan sa ilalim ng bagong sistema ng granular lockdown sa National Capital Region.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion, mahalaga ang nangyaya­ring “practice” dahil kailangang buksan ang ekonomiya.

Aminado si Concepcion na masyadong mababa ang 10% capacity sa mga restaurants pero tiyak aniyang tataas din ito.

Makikita rin kung maraming customers ang papasok na magpapakita ng kanilang bakuna cards.

Idinagdag ni Concepcion na sa ngayon ay “baby steps” ang ginagawa at kung magiging maganda ang resulta ay itataas sa 20% hanggang 30% ang kapasidad ng mga pumapasok sa mga restaurants.

Makikita rin aniya kung marami ang mga mahahawa sa mga bakunado.

Idinagdag ni Concepcion na kahit na tumaas ang mga nagkakaroon ng COVID-19 araw-araw ay hindi naman ang mga ito maoospital kung sila ay bakunado.

“So maski tumataas iyong kaso at 10,000/20,000 cases daily, dapat hindi—we shouldn’t get scared kasi kung bakunado lahat ‘yan, hindi ‘yan pupunta sa hospital. May konting porsiyento ang pupunta sa hospital at tuloy ang negosyo, tuloy rin ang pagbukas ng economy and then we do it safely,” paliwanag ni Concepcion.

vuukle comment

JOEY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with