^

Bansa

Duterte gustong ipasipsip si Gordon kay Dracula

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung makakausap lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dracula nais nitong ipakagat si Sen. Richard Gordon upang ipasipsip ang dugo.

Sa taped addressed ni Duterte na ipinalabas kahapon, muli niyang pinag-initan si Gordon, chairman ng Philippine Red Cross at Senate Blue Ribbon Committee, na nag-iimbestiga sa diumano’y overpriced na face mask, face shield at mga personal protective equipment na binili ng gobyerno noong nagsisimula pa lamang ang pandemya.

Sinabi ni Duterte na maraming dugo sa katawan si Gordon dahil bilog na bilog ito.

“Kaya ako lang kung makausap ko si Dracula, ipakagat kita natutulog, kunin lahat dugo mo. Marami kang dugo, ang katawan mo bilog na bilog puro dugo ‘yan,” ani Duterte.

Inamin din ni Duterte na galit siya kay Gordon at ‘pag nawala ang respeto niya sa tao ay bababuyin niya ito hanggang mamatay o hanggang sa harapin siya.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na buhay ang nilalaro ni Gordon sa Red Cross kung saan ang kapital niya ay dugo.

Kinuwestyon din niya kung bakit kailangang magbayad ang mga humihingi ng dugo sa Red Cross gayong batalyon ng mga pulis at sundalo ang nagdo-donasyon ng kanilang dugo.

Pinaalalahanan muli ni Duterte ang mga Pilipino na huwag iboto si Gordon na naiwan aniya ng mga Amerikano.

 

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with