Wala ng checkpoints sa Alert Level 4 – PNP
MANILA, Philippines — Wala nang ilalagay na mga checkpoints sa National Capital Region matapos na ipatupad ang Alert Level 4 simula ngayon.
Sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na mas tututukan ng mga pulis ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns.
“Wala na tayong checkpoint sa operation dahil narinig naman natin ng uniform naman itong Level 4,” ani Eleazar.
Dagdag pa nito na ang pagpapatupad ng granular lockdowns ay hindi bago sa kapulisan dahil sa 50 lugar sa ilalim ng Metro Manila ang nasa naturang restrictive measure.
Sa ilalim ng Alert Level 4, hindi pinapayagang lumabas ang 18 years old pababa at 65 years old pataas; may immunodeficiencies, comorbidities, health risks at buntis.
- Latest